Nasa 82 entries pa ang nakatakdang magsagupa para sa ikalawang araw ng semi-finals matapos malagpasan ang 2-cock elimination round ng unang edisyon ng 2024 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa Smart Araneta Coliseum.
Pasok sa 3-cock semi-finals sa Huwebes, Pebrero 1, sina Fiscal Villanueva, Atty. De Castro/Walter Ozaeta, Dadz Ge Mentiza/Dylan Castillo/Nad Mendoza, Engr. Emer Sumigad, Manny Jidaria/M. Pua, Mel Lim, Leo Nogoy, Marlon Viadd, Edwin Santiago/Randy Palmer/BDJ, Felix Gatchialian/Pat Gatchialian, Gaspar Legaspi Jr/Danilo Mandap, Joseph Panganiban, Albert Dichavez, Franny/Joy Brillantes/Jonel Dacquez from Abra, Engr. Pal Bolivar, Roel Facundo/Jojo Bacar/Beng Joson/Kap Lolong, Vernie/Vlad Legaspi/Danny Portillo/Donland Reyes/Ryan Mercado, Biboy Enriquez/Jorge Goitia aka Chuck Norris, Reymond Escarlan, Ernie Lagundi/Alex Lagundi, Jimmy Junsay/Dennies Reyes/Bobby Inigo, Nene Araneta, at Nestor Mercado/Lito Orillaza matapos makapagtala ng tig-dalawang panalo at wala pa ring talo pagkatapos ng 2-cock elimination round.
Aabante rin sa susunod na round ng kumpetisyon ang mga kalahok na nakapagtala ng tig-isang panalo at isang tabla at mga sabungerong mayroong tig-isang panalo at isang talo.
Samantala, nakatakda namang magsagupa ngayong gabi ang nasa 99 entries para sa unang araw ng semi-finals sa pangunguna ng ilang sabong idols tulad nina Patrick Antonio, Rey Briones, Claude Bautista, at marami pang iba.
Ang mga magnanalo sa semi-finals ay aabante sa 4-cock pre-finals sa Pebrero 3 at grand finals sa Pebrero 4 kung saan hihirangin ang bagong kampeon ng World Slasher Cup.
Sa mga nais na masaksihan nang live ang nasabing derby sa Smart Araneta Coliseum ay maaari po silang bumili ng ticket sa Ticketnet o di kaya sa www.worldslashercup.ph.