TARGET ng gobyerno na tulungan ang 82 probinsiya na tinamaan o apektado ng El Niño partikular na ang mga magsasaka at mangingisda.
Sa pahayag ni TF El Nino spokesman at PCO Assistant secretary Joey Villarama na ang pagbibigay ng ayuda ay sa gitna na rin ng recovery period na ngayon ng mga magsasaka at mangingisda mula sa tagtuyot.
Aniya, magtutuloy tuloy sa pag-iikot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ibat- ibang probinsiya lalo’t personal itong nag- aabot ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda.
Mula sa Luzon, Visayas at Mindanao, ayon sa PCO official ay pupuntahan ng Pangulo para sa pamamahagi ng ayuda na ang layunin ay maibangon ang mga naging apektado nt El Nino.
Linggo lingo ay hindi nawawala sa schedule ng Pangulo ang out of town activities kung saan ay namamahagi ito ng Presidential assistance. P ANTOLIN