TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi positibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang 82 Filipino seafarers na dumating sa NInoy Aquino International Airport (NAIA) mula Italy.
Ang mga naturang Pinoy seafarer ay mga crew ng dalawang barko na nakadaong sa Rome at Milan.
Siniguro naman ng DFA na ang barkong pinagtatrabahuan ng mga Pinoy seafarer ay idineklarang covid-19 free ng Health authorities sa nasabing bansa.
Gayunpaman, paglapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga nasabing seafarer ay dumaan sa health assessment ng Bureau of Quarantine bago naman sila dumiretso sa Quarantine facility na inilaan ng Gobyerno ng Pilipinas. VICKY CERVALES
Comments are closed.