MAY 820,000 trabaho ang inaasahang lilikhain ng ‘Build Build Build’ program ng pamahalaan ngayong taon, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia na mas mababa ito sa target ng pamahalaan na 1.1 million jobs taon-taon hanggang sa 2022.
“Apart from closing the country’s infrastructure gap, our aim is to create many employment opportunities and assist Filipino families in achieving the kind of life that they desire,” wika ni Pernia.
Upang mapalakas ang mga trabahong lilikhain sa imprastraktura, sinabi ni Pernia na kailangan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makipag-ugnayan sa mga industriya.
Palalakihin nito ang tsansa ng pamahalaan at pribadong sektor sa angkop na kakayahan na kinakailangan ng construction sector sa mga susunod na taon.
“Labor demand can be met if education programs like the K to 12, which adds two years to basic education in the country, will produce a more appropriately trained and skilled workforce,” sabi ni Pernia.
“To fully maximize gains from Build Build Build, the Philippine labor market should be ready to meet the infrastructure program’s requirements. Bodies governing the education and labor sectors have a crucial role in this,” dagdag pa niya.
Ayon sa DepEd, ang K-12 students ay kinakailangang sumailalim sa work immersion upang mapalakas ang kanilang industry skills at work ethics.
Nakasaad ito sa DepEd’s guidelines for Work Immersion, DepEd Order No. 30, series 2017 (DO 30, s. 2017).
Ayon sa DO 30, ang isang Senior High School student na may edad 18 at pataas ay kailangang makakumpleto ng minimum na 80 hours ng work immersion, habang ang mga may edad na 18 pababa ay may maximum na 40 hours kada linggo.
Kasabay nito, sinabi ni Pernia na dapat ding pagtuunan ng pansin ang returning overseas Filipino workers na ‘skilled’ o nangangailangan ng retraining para makapasok sa construction industry.
Ipinanukala rin ng NEDA na i-post ang lahat ng job requirements ng ‘Build Build Build’ program sa www.PhilJobsNet.gov.ph, ang official online job site ng pamahalaan upang makaagapay ang returning OFWs sa mga bagong opor-tunidad sa bansa.
“The K to 12 program requires a strong academe-industry linkage to prepare students after graduation. Build Build Build presents real opportunities for those in search of work,” dagdag ni Pernia. MARC DELA PAZ, PEARL GUMAPOS
Comments are closed.