8,241 BAR PASSERS NANUMPA NA-SC

IDINAOS  na ngayong hapon ang panunumpa sa 8,241 na mga nakapasa sa katatapos na 2020-2021 bar examinations.

Sa MOA Arena idinaos ang panunumpa na isinagawa sa pamamagitan ng special enbanc session ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa pangunguna ni Chief Justice Alexander Gesmundo.

Hinamon ng tumayong chairman ng 2020-2021 bar exam Associate Justice Marvin Leonen ang mga bagong abogado ng bansa na huwag ipagwalang bahala ang hirap na kanilang dinanas para sa kanilang kauna unahang digital at regionalized bar exam at bigyan ng kahulugan ang kanilang titulo para ipagtanggol ang mga nasa ilalim ng lipunan at ipagtanggol ang mga nangangailangan ng katarungan.

Kinilala rin kasabay ng okasyon ang mga tao at mga ahensiya na nagtulung tulong upang maging matagumpay ang bar exam kasama na rito ang mga health expert, PNP at AFP dahil sa protocol na ipinatupad ng mga examiner at Supreme Court staff at mga law schools at maging ang mga nakakuha ng mataas na grado sa bar exams.

Bilang pagtalima sa ipinaiiral na health protocol dahil sa pandemya, nakasuot ng facemask ang lahat ng mga dumalo at sumaksi sa oathtaking at maging ang mga mahistrado ng Supreme Court. Beth C