826 SPIDERLINGS NA-INTERCEPT SA NAIA

NA-INTERCEPT ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa tulong ng Environmental Protection Compliance Division (EPCD) ang tinatayang aabot sa 809 bilang ng spiderlings sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Bukod sa spiderlings nakuha din sa loob ng tatlong air parcel ang 17 mga matatandang o adult spiders, na pinaniniwalaan galing sa bansang Poland at ito’y naka-consigned sa isang taga-Paranaque City at ang iba ay sa isang residente sa Batangas.

Itinago ang mga ito sa mga maliliit na plastic at inilagay sa loob ng cotton o gapas bago binalot ng foil upang makalusot sa mga kinauukulan.

Ang mga nakumpiskang spiderlings at spiders ay nasa pangangalaga ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources Wildlife Traffic Monitoring Unit (DENR WTMU).

Agad na ipnag-utos ang seizure at forfeiture proceedings laban sa mga ito bunsod sa paglabag ng Section 1113 na may kaugnayan sa Section 117 at nang RA 9147 ng Department of Environment ang natural Resources (DENR).

Sa kasalukuyan ipinagpapatuloy ng Bureau of Customs Action Team Against Smugglers ang pagsisiyasat upang masampahan ng kaso ang importer at consignee. FROILAN MORALLOS

77 thoughts on “826 SPIDERLINGS NA-INTERCEPT SA NAIA”

  1. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://finasteridest.com/ can i order cheap propecia pills
    Read here. Everything what you want to know about pills.

Comments are closed.