826K BAGONG TRABAHO IBINIDA NG DOLE

SEC Bello III

MAYNILA – MATAAS ang morale ng pamahalaan nang maitala ang mataas na employment data sa Duterte Admin.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nag­rehistro ng dalawang porsiyentong pagtaas o 826,000 bagong trabaho ang nalikha ng pamahalaan sa 2018.

Batay sa ulat ng Philippine Statics Authority, sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na nagtala ng pagbabago sa empleo noong nakaraang taon kung saan nakapagrehistro ng 41.160 milyon ang nabigyan ng trabaho mula sa 40.334 milyon ng sinundang taon.

Mas mataas ang bilang ng empleo kumpara sa 38.7 mil­yon ng 2015, dagdag niya.

Makikita rin sa datos na sa loob ng anim na buwan ng administrasyong Duterte, 1.02 milyong trabaho ang nalikha.

Ayon sa parehong ulat ng PSA, nakita ang pagtaas sa empleo noong 2018 sa construction na may 328,000; public administration and defense, compulsory social security na may 152,000; manufacturing na may 145,000; at administrative and support service activities na may mahigit 110,000.

Nakasaad din sa ulat ng PSA na ang agrikultura ang nagtala ng pinakamalaking bilang ng nawalang trabaho nitong nakaraang huling dalawang taon na may 803,000 noong 2017 at 260,000 noong nakaraang taon sanhi ng mga bagyong tumama sa bansa.

Bumaba rin ang bilang ng empleo sa service sector noong 2017 (-72,000) dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng DOLE sa polisiya ng pagbabawal sa illegal end-of-contract o “endo” simula nang ipatupad ang Department Order No. 174, series of 2017.   Nagtala ng 610,000 empleo sa nasabing sektor noong nakaraang taon.

“Mananatili tayong matatag sa paglikha ng oportunidad sa trabaho at pagtitiyak na napapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa,” ani Bello.

Kanyang idinagdag na mahigit sa kalahating mil­yong manggagawa sa ilalim ng “endo” ang naging regular bago magtapos ang 2018, kung saan 65 porsiyento rito ang naging regular na ­empleyado dahil sa boluntaryong pagtupad ng mga employer.

Kanya ring sinabi na patuloy na tataas ang empleo sa mga darating na buwan dahil sa agresibong pagkilos ng pamahalaan para sa programang Build, Build, Build ng Presidente.      PAUL ROLDAN

2 thoughts on “826K BAGONG TRABAHO IBINIDA NG DOLE”

  1. 185330 547550Some truly nice and utilitarian info on this internet website , besides I think the layout holds wonderful features. 703892

  2. 482799 936318Excellent day! This post could not be written any greater! Reading this post reminds me of my previous room mate! He always kept chatting about this. I will forward this write-up to him. Fairly certain he will have a very good read. Thanks for sharing! 209052

Comments are closed.