INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 8,292 bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa araw ng Lunes.
Batay sa case bulletin #576 na inisyu ng DOH, dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,674,814 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang nitong Oktubre 11, 2021.
Sa naturang kabuuang bilang, 98,894 o 3.7% ng total cases pa ang nananatiling aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman, kabilang dito ang 74.4% ang mild cases, 15% ang asymptomatic, 6.14% ang moderate, 3.2% ang severe at 1.3% ang kritikal.
Samantala, nasa 302 ang bilang ng mga pasyente na naitalang gumaling na mula sa virus sanhi.
Sa ngayon, nasa 2,536,263 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 94.8% ng total cases.
Nakapagtala rin ang DOH ng 36 mga pasyenteng namatay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19, kaya’t umaabot na ngayon sa 39,660 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.48% ng total cases.
Paglilinaw ng DOH, ang naturang 36 deaths ay nagpapakita ng aktuwal na bilang ng death counts sa linelist nitong Lunes at hindi dulot ng aberya sa COVIDKaya system.
“The 36 deaths reported reflects the actual death counts based on today’s linelist. No backlogs nor technical issues were encountered in today’s extraction,” anito pa.
Samantala, ayon pa sa DOH, mayroon ding 40 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kasama rito ang 32 recoveries.
Mayroon namang 21 kaso na unang na-tagged bilang recoveries ang malaunan ay natuklasang namatay na pala, sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez
50765 425153So, is this just for men, just for females, or is it for both sexes If it s not, then do girls want to do anything different to put on muscle 69681
270842 844174Pretty part of content. I just stumbled upon your weblog and in accession capital to assert that I get truly loved account your weblog posts. Any way Ill be subscribing on your feeds or even I success you access constantly quickly. 790896
631754 527384I enjoyed reading this a lot I genuinely hope to read much more of your posts within the future, so Ive bookmarked your weblog. But I couldnt just bookmark it, oh no.. When I see quality websites like this 1, I like to share it with others So Ive produced a backlink to your internet site (from 968637