CAMP CRAME – UMABOT na sa 83 gunban violators ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) ayon sa Na-tional Election Monitoring and Action Center (NEMAC) ng PNP.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana, ang bilang ng mga violators ay naitala simula noong Enero 13, 2019 ang pagsisimula ng election period.
Aabot aniya sa 82 mga baril ang nakuha sa 83 mga gunban violators.
Sa ngayon aabot na sa 9,600 PNP COMELEC Checkpoint operations ang isinagawa ng PNP simula noong Enero 13, 2019.
Muli namang nagpaalala ang PNP sa publiko na umiiral ngayon ang gunban ibig sabihin aarestuhin ang sinumang makukuhaan ng baril, patalim o anumang deadly weapons. REA SARMIENTO
Comments are closed.