NASA 8,316 ang gumaling pa sa coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas sa pinakahuling ulat ng Department of Health, araw ng Linggo.
Dahil dito, umakyat na sa 448,258 o 93.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.
Nadagdagan naman ang kaso ng 891 kaya umabot na sa 477,807 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 20,292 o 4.2 porsIyento ang aktibong kaso habang 80.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.2 porsiyento ang asymptomatic; 0.58 porsiyento ang moderate; 3.6 porsiyento ang severe habang 6.7 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa apat naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 9,257 o 1.94 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Comments are closed.