DAVAO CITY-ISANG octogenarian na lola ang nasawi nang ma-trap sa loob ng nagliliyab nitong bahay na tumupok sa 180 kabahayan sa lalawigang ito.
Sa ulat ng Davao City PNP at Bureau of Fire Protection, kinilala ang biktima na si Diosdada Alferez, 84-anyos.
Hinala ng arson probers na hindi na nagawang makalabas ng lola nang magsimulang lamunin ng apoy ang kanilang lugar .
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Charice Acupiado sa Barangay Tibungco bandang alas-10 ng gabi ng Miyerkules.
Umabot sa ika-5 alarma ang sunog, bago tuluyang idineklarang fireout kahapon ng umaga.
Nabatid na isang naiwang nakasindi na kandila ang sanhi ng sunog na tumupok sa may 180 bahay na karamihan ay gawa sa light materials.
Umabot sa P630,000 ang halaga ng pinsala ng sunog. VERLIN RUIZ
338765 981740I besides believe therefore , perfectly composed post! . 178312
6084 506728I took a break to view your article. I found it very relaxing 86340