SA ilalim ng programang baksinasyon ng lokal na pamahalaan ng Pasay na “Vacc to the Future” ay napagkalooban ng bakuna ang 84 na nasa edad 12-17 na mayroong comorbidities noong Oktubre 22.
Ang lokal na pamahalaan ay may nauna nang inisyal na naka-iskedyul na 70 pre-listed kabataan na mabakunahan ng Pfizer vaccines kontra COVID-19 ngunit kinalaunan ay naidagdag pa ang 14 na kabataan sa listahan ng mababakunahan.
Mainit namang tinanggap ng magulang ng mga kabataan ang baksinasyon ng kanilang mga anak sa lungsod.
Sinabi pa na ang vaccination rollout sa mga kabataan ay isinagawa sa nag-iisang pampublikong ospital sa lungsod na Pasay City General Hospital (PCGH) kung saan ang officer-in-charge ng nabanggit na ospital na si Dr. John Victor de Gracia ang nanguna sa pagsasagawa ng pagbabakuna sa mga nakaiskedyul na kabataan.
Sa report ni De Gracia, ang isa sa mga naka-iskedyul na kabataan na mabakunahan ay hindi naturukan dahil sa ang ito ay mayroong high blood pressure.
Ang lokal na pamahalaan ay magkakaloob ng bakuna sa naka-iskedyul na 60 kabataan sa bawat araw sa PCGH ng Lunes hanggang Biyernes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon lamang.
MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.