84 KILONG IMPORTED MEAT NASABAT SA NAIA

bocha

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang 84 kilos ng imported na karne na dala ng isang pasahero galing Japan.

Ayon kay NAIA Customs Collector Mimil Talusan, walang maiprisinta ang  pasahero ng clearance at cer-tificate mula sa Bureau of Animal Industry bilang pagpapatunay na legal ang dala niyang mga karne.

Kamakailan lang nagbabala ang BAI sa mga pasahero na iwasan ang magdala ng karne mula sa ibang bansa na hindi dumaan sa pagsusuri upang maiwasan ang pinangangambahan na African Swine Fever bilang pagsunod sa isang advisory na pirmado ni FDA Officer in Charge Dr. Eric Domingo.

Pansamantalang may pagbabawal sa importasyon, at pagbebenta ng mga processed pork meat products na mula sa mga bansang tinamaan ng ASF  na kinabibilangan ng China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia,  Ukraine, Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria Cambodia, Mongolia, Moldova, at Belgium.

Binalaan din ng FDA ang ating mga kababayan na kung hindi maiwasang kumain ng processed pork meat products, tiyakin na mula ito sa mga bansang wala sa listahan ng temporary ban at dapat ay rehistrado sa FDA.

Ang sakit na ASF  ay nagmumula sa mga baboy na ang  mga  sintomas  ay  mataas na lagnat, kawalan ng ganang kumain, hemorrhages sa balat at internal organs, at maaaring ikamatay kapag hindi ito naagapan.     FROI MORALLOS