MAY 84 pasyente ang bagong gumaling sa coronavirus disease (COVID-19) sa pinakahuling ulat, araw ng Martes, Hunyo 2.
Dahil dito, ang total recoveries sa COVID-19 sa Filipinas ay 4,063 na.
Nadagdagan naman ng 359 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon ng Hunyo 2, sumampa na sa 18,997 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa Filipinas.
Sa nasabing bilang, 176 ang “fresh cases” habang 183 ang “late cases”
Anim naman ang nasawi kaya umaabot na sa 966 ang kabuuang bilang ng COVID-19 related deaths sa bansa.
Comments are closed.