843 BAGONG GUMALING SA COVID-19

DOH

INIULAT ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 363,888 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 19 (COVID-19) cases ang naitala sa bansa.

Batay sa case bulletin na inisyu ng DOH, ito ay matapos silang makapagtala ng 1,664 bagong kaso ng COVID-19 hanggang 4PM nitong Oktubre 22.

Nanguna naman sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng COVID-19 ang  Cavite na may 81 new cases, kapwa naman may 76 new cases ang Malabon at Davao City, sinundan ng Iloilo City na may 75 new cases, at Quezon City na may 69 new cases.

May naitalang 843 na bagong gumaling mula sa covid 19.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 312,333 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 38 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.Ang 25 rito ay nasawi noong Oktubre, 9 noong Setyembre, 1 noong Agosto, 1 noong Hulyo, 1 noong Hunyo, at isa noong Mayo.

Sa kabuuan ay pumalo na sa 6 783 na ang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

May 19 na inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na kanilang naireport.

Kasunod pa rin ito ng  nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.