849 PINOY SA ABROAD NAKAREKOBER SA COVID

DFA

UMAKYAT  na sa 849 Filipino sa ibang bansa ang nakarekober sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa ulat ng  Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang Mayo 19, umakyat na sa 849 ang mga Pinoy na  nakarekober sa nakakahawang sakit makaraang maitala kahapon ang panibagong 21 pasyente na gumaling.

Nasa 2,431 overseas Filipino  naman ang kumpirmadong positibo sa COVID-19  mula sa 46 na bansa at rehiyon,  1,302 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital habang nasa 280  ang bilang ng  mga nasawi.

Pinakamaraming naitalang confirmed COVID-19 positive sa bahagi ng Europa na may 736 na kaso.

Sumunod  ang Middle East/Africa na may 705 kumpirmadong kaso.

Nasa 543  ang kaso sa America at 447 sa Asia Pacific Region.

Comments are closed.