85% ELIGIBLE POPULATION TARGET MABAKUNAHAN NG DOH

INIHAYAG ng Department of Health na target nilang mabakunahan ang nasa 85% eligible population sa bansa hanggang sa katapusan ng buwan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, katumbas ito ng 77 milyong Pilipino mula sa inaasam na 90 milyong indibidwal.

Sa ngayon ay 68.5 myong Pinoy na ang nabakunahan kontra COVID-19 at maliit na bilang na lamang ang nais para maabot ang target.

Maliban dito, kasalukuyan na ring gumugulong ang special vaccination days sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)

Habang patuloy pang pinapataas ang vaccination rate sa mga lugar ng Quezon sa Region 4-A, Mimaropa, Bicol Region, Central Visayas at SOCCSKSARGEN.

Samantala, umabot naman sa halos 7,500 na indibidwal ang nabakunahan ng ahensiya sa mga vaccination site malapit sa mga polling precincts noong Mayo 9, araw ng halalan. DWIZ882