Walumpu’t limang porsiyento ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay mayroong sintomas ng sakit.
Ito ang naging pagdepensa ni Health undersecretary Maria Rosario Vergeire hinggil sa hindi pagte-test ng pamahalaan sa asymptomatic patients.
Sinabi ni Vergeire, 85% naman kasi ng mga carrier ng virus ay mayroong sintomas ng sakit kaya’t ipinaglalaban ng Department of Health (DOH) na i-test na muna sa ngayon ang mga indibidwal na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.
Target ng pamahalaan na mas paigitingin pa ang expanded targeted testing kung saan isasailalim sa COVID-19 test ang mga indibidwal na mayroong sintomas ng COVID-19, mga na-expose sa mga nagpositibo sa sakit.