HALOS siyam sa bawat sampung Filipino ang nangangamba sa posibildad na ma-infect ng coronavirus disease ang sinuman sa kanilang mga pamilya sa isinagawang pag-aaral sa gitna ng nararanasang pandemya.
Ayon sa Social Weather Station, nasa 85 porsiyento ng mga Pinoy ang nangangamba na baka mahawahan ang kanilang pamilya ng COVID-19.
Sa inilabas na resulta ng SWS nitong Huwebes, may 1,555 adult Filipinos ang sumailalim sa pagtatanong ng SWS at 85 percent nito ang nagsasabing natatakot sila na baka mahawahan ng nakamamatay sa sakit.
Base sa datos ng SWS, 67 porsiyento ang nagsasabing: they worry “a great deal” at 18 porsiyento naman ang nagpahayag na: they were “somewhat worried.”
Isinagawa ang nasabing survey nitong unang linggo ng buwan ng Hulyo kung saan maraming lugar ang nasa ilalim na ng Moderate General Community Quarantine (MGCQ).
Ginawa ito sa pamamagitan ng mobile phones at computer-assisted calls, kung saan bahagyang bumaba ang bilang ng mga nagsasabing natatakot sila mula sa 87 percent noong buwan ng Mayo.
“Compared to past surveys, worry about catching the COVID-19 is greater than worries about catching previous viruses such as Ebola, Swine Flu, Bird Flu, and Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS),” pahayag pa ng independent survey group.
Nabatid na ito ang dahilan ni Manila Mayor Isko Moreno sa paglulunsad ng mga libreng drive thru at walk-in COVID-19 rapid test centers na bukas sa lahat kahit hindi taga-Maynila upang mabawasan ang anxiety, mga agam-agam at takot sa isipan ng mga tao na baka nasalinan na sila ng nakamamatay na coronavirus.VERLIN RUIZ
Comments are closed.