MAKATI CITY – MAAGANG uminit ang ulo ng may 850 pasahero ng Metro Rail Transit-Line 3 nang magkaaberya ang isang train nito na nagdulot ng pagpapababa sa 850 pasahero.
Sa ulat, nasiraan ang isang tren ng MRT 7:53 ng umaga sa may bahagi ng Southbound (SB) lane ng Guadalupe station dahil sa electrical failure sa motor ng tren.
Subalit, makalipas ng limang minuto agad din dumating ang kasunod na tren at pinasakay ang mga pinababang pasahero.
Gayunman, marami pa rin ang nadismaya lalo na’t nag-panic ang mga ito dahil sa takot na ma-late sa kanilang trabaho. PMRT
Comments are closed.