ZAMBOANGA- AABOT sa 851 bagong trainee ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nagsimula nang sumalang sa pagsasanay nitong Lunes.
Humarap ang mga ito kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu sa flag raising ceremony sa Maynila bago ipinadala sa Zamboanga.
Ang nasabing bilang nga mga trainees ng PCG ay sasailalim sa ilang buwan ng pagsasanay sa Zamboanga Regional Training Center.
Nasa 3,000 ang sumasailalim sa pagsasanay para maging kasapi ng PCG bukod sa 851 na sasailalim din sa training.
Kasabay nito, binigyan din ng pagkilala ng PCG ang mga kasapi ng PCG Auxiliary na malaki ang papel na ginampanan sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong Paeng. BETH C