NASA 8,564 ang napaulat na bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa ulat ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Pebrero 4, pumalo na sa 3,594,002 ang confirmed cases ng nakahahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 151,389 o 4.2 porsiyento ang aktibong kaso.
6,522 rito ang asymptomatic, 139,940 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,107 ang moderate, 1,500 ang severe, habang 320 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nadagdagan ng 46 ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 54,214 o 1.51 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 10,474 ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,388,399 o 94.3 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.