86.24% PULIS BAKUNADO NA

BICOL- UMABOT na sa 86.24% na mga miyembro ng Philippine National (PNP) Police Regional Office 5 ang nabakunahan na.

Ayon kay Regional Director Jonnel Estomo,ito ay upang matiyak ang pisikal na kahandaan ng mga tauhan nito sa mas epektibo at mabilis sa pagsasakatuparan ng mithiing gawing mas ligtas ang komunidad sa gitna ng hamon ng COVID-19.

Sa rehiyong Bicol, ayon sa PNP Regional Health Service, 86.24% o 9,592 na miyembro ng pulisya ang nakatanggap na ng bakuna kung saan 2, 849 na ang fully vaccinated at 6,743 naman ang nakatanggap na ng 1st dose.

Ang mga fully vaccinated ay kinabibilangan ng 886 na miyembro ng PNP sa Albay; 519 sa Camarines Sur; 421 sa Sorsogon; 286 sa Masbate; 270 sa Cam Norte; 79 sa Naga; at 59 sa Catanduanes.

Habang ang mga nakatanggap na ng first dose ng bakuna sa Albay ay umabot na sa 713; sa Camarines Sur ay 667; Camarines Norte ay 681 ;Catanduanes 679; Sorsogon 632; Masbate 854 at Naga 633.

Inaasahan na sa lalong madaling panahon ang lahat ng kawani ng PNP sa Bicol ay mabibigyan na rin ng bakuna bilang isa sa pangunahing hakbang upang patatagin ang puwersa habang isinasagawa nito ang iba’t ibang aksyon sa pagbibigay lunas at solusyon sa problemang pang kalusugan sa ating nasyon.

Sa talaan ng PNP, nasa 33, 572 ang kabuuang kaso ng COVID-19 nationwide ang tinamaan sa kanilang hanay na kung saan 33, 885 dito ang gumaling at 108 ang nasawi. VERLIN RUIZ

3 thoughts on “86.24% PULIS BAKUNADO NA”

Comments are closed.