TAGUIG CITY – SUMAILALIM sa random drug test ang 863 pulis ng Southern Police District (SPD) bilang bahagi ng cleansing program sa hanay ng Philippine National Police (PNP) upang malaman kung may mga miyembro nito ang gumagamit ng ilegal na droga.
Pinangunahan ni SPD deputy director Sr. Supt. Joel Pernito ang pagsasagawa ng drug test sa mga pulis at ng SPD Crime Laboratory.
Ayon sa tagapagsalita ng SPD na si Supt. Jenny Tecson, ang resulta ng naturang drug test ay malalaman sa loob ng tatlong araw.
Dagdag pa ni Tecson, ang mga pulis na magpopositibo sa isinagawang drugt test ay sasailalim sa imbestigasyon kasunod ng pagpataw ng kaukulang parusa laban sa mga ito.
Ang hakbangin ng SPD ay bunsod sa cleansing program na mahigpit na ipinatutupad ng PNP at upang malaman din kung may adik at sangkot sa droga sa hanay nito. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.