868 RENEWABLE ENERGY PROJECTS APRUB SA DOE

RENEWABLE-ENERGY

NASA 868 renewable ­energy contracts ang igi­nawad ng Department of Energy (DOE) noong 2017, siyam na taon makaraang isabatas ang Rene­wable Energy (RE) Act of 2008.

Sa datos ng DOE na ipinalabas ngayon, ang naturang mga kontrata ay may potential generation capacity na 23,700.69 mega-watts (MW), laban sa total installed capacity na  4,751.59 MW.

Sa 868 RE projects na inaprubahan ng gobyerno, 444 ang hydropower;  solar, 216;  wind, 64; biomass, 55; geothermal, 41; at pito ang para sa  ocean energy,

Bukod dito, may 41 RE contracts ang iginawad para sa self-generation ng kuryente, na kinabibilangan ng isa para sa wind, 16 sa  solar at 24 para sa biomass.

Batay pa sa datos ng DOE, may 206  RE projects ang nakabimbin, kung saan  93 ang hydro; 83 ang solar; 16 ang wind; biomass, 10; at geothermal, 4.

Ang potential generation capacity ng mga nakabimbing RE projects ay maaaring umabot sa 3,912.66MW.   LENIE LECTURA

 

2 thoughts on “868 RENEWABLE ENERGY PROJECTS APRUB SA DOE”

  1. Hello! I know this is kinda off topic but I’d figured I’d ask. Would you be interested in exchanging links or maybe guest writing a blog post or vice-versa? My website goes over a lot of the same topics as yours and I feel we could greatly benefit from each other. If you are interested feel free to send me an email. I look forward to hearing from you! Terrific blog by the way!

Comments are closed.