869 JEEPNEY OPERATORS AT DRIVERS NAKINABANG SA CASH-FOR-WORK-PROGRAM

PARA matiyak na maibibigay nila ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya sa gitna ng kanilang nasuspindeng operasyon dahil sa pinalawig General Community Quarantine (GCQ), aabot sa 869  jeepney operators at mga drivers sa Valenzuela City ang pansamantalang nabigyan ng sampung araw na trabaho sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD)’s Cash-for-Work Program.

Sa DSWD Administrative Order 15, ang proyekto ay magsisilbing isang “short-term intervention to provide temporary employment to distressed/displaced individuals by participating in or undertaking preparedness, mitigation, relief, rehabilitation or risk reduction projects and activities in their communities or in evacuation centers.”

Sa loob ng 10 araw na programang pinabilis ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ang mga miyembro ng pitong Valenzuela City-recognized jeepney operators at drivers associations (JODAs) ay ipinakalat sa kanilang nakatalagang mga barangay sa gagawing community service.

Para sa buong araw na trabaho sa street sweeping at creek at canal declogging, makakanggap ang isang kalahok ng Php 500 o kabuuang Php 5,000 para sa 10-day work assignment.

Kasama ang 631 miyembro ng urban poor group at solo parents mula sa lungsod, nakumpleto ng mga miyembro ng JODA ang listahan ngayong taon ng mga beneficiary ng Cash-for-Work. EVELYN GARCIA

Comments are closed.