87 KILOS NG PORK MEAT KINUMPISKA

KALINGA- KINUMPISKA ng Tabuk Local Price Control Council (LPCC) ang nasa 87 kilos na imported pork na umano’y walang kaukulang dokumento sa regular meat inspection and monitoring activity sa nasabing siyudad.

Sinabi ni Dr. Clemencia Cagan, City Veterinary Service Offcer (CVSO) ang naturang mga karne ng baboy ay nakumpiska umano sa apat na vendors sa Dagupan Public Market ng siyudad kung saan ay walang maipakitang mga kaukulang dokumento ang mga naglalakong mga produktong galing sa foreign sources.

Samantala, inihayag ni Tabuk City Legal Officer Atty. Arthur Kub-ao, chairman ng LPCC na kumukuha umano ang mga vendors ng ibebentang karne mula sa national at international market upang matugunan ang demand ng mga mamimili.

Pinaalalahanan naman ng pamunuan ng LPCC ang mga naglalako ng karne ng baboy na pakasuriin umano muna nila kung ito ay mayroong tamang dokumento ang kanilang mga binibiling mga karne lalo na kung ito ay galing sa ibang lugar.

Habang tiniyak naman ng LPCC sa publiko na kanilang ipagpapatuloy ang kanilang monitoring at mahigpit na pagsusuri sa mga produktong ibinebenta sa lokalidad at istritong eskaminasyon sa mga pumapasok na meat by-products na walang dokumento. IRENE GONZALES

7 thoughts on “87 KILOS NG PORK MEAT KINUMPISKA”

Comments are closed.