NAGDALA ng pinsala dahil sa patuloy na tagtuyot na El Niño ang halos umaabot na 87 porsiyento ng rice crops sa Iloilo, ayon sa opisyal ng Provincial Agriculture Office (PAO) ng lugar.
“We created a validation team to confirm the damage. The team went and included the standing crops in the province,” sabi ni PAO chief Ildefonso Toledo.
Mula Oktubre 2018 hanggang Marso 2019, ang probinsiya ng Iloilo ay may standing crop of rice ng 32,181 ektarya na sumasakop sa 38,618 magsasaka.
“Based on their April (validation team) report to the Municipal Agriculture Office, the area affected is around 28,000 hectares,” sabi niya.
Tinatayang na 7,000 ektarya ang bilang ng lahat ng napinsala habang ang natitirang 28,000 na apektadong lugar ay bahagyang napinsala.
Samantala, sinabi ni Toledo na nasa total na 27,245 magsasaka ng palay ang apektado na katumbas ng 71 porsiyento ng magsasaka.
“The total cost of these affected rice crops reached PHP1.3 billion,” he said, dagdag na ang pinagsamang report ay isinumite na sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Ang halaga ng napinsalan tanim na mais ay masa mababa kaysa sa tanim na palay, sabi ni Toledo.
Umabot sa PHP160,000 sakop ang 4,502 ektarya ang pinsala sa nakatanim na mais mula Oktubre 2018 hanggang Enero 2019.
Siniguro ni Toledo na ang report ay tugma sa datos ng Department of Agriculture sa Western Visayas.
Limang bayan sa probinsiya ng Iloilo Bingawan, Lambunao, Maasin, Janiuay, at Santa Barbara—ang inilagay na sa estado ng kalamidad dahil sa pinsala ng El Niño sa agrikultura at kakulangan ng supply ng tubig.
Inulit ni Iloilo Governor Arthur Defensor Sr. kamakailan na ang mga ahensiya ay kailangang siguruhin ang report na validated sa buong probinsiya bago ito ilagay sa ilalim ng state of calamity. PNA
Comments are closed.