8,702 BAGONG COVID-19 CASES NAITALA

NAKAPAGTALA  ang Pilipinas ng mahigit 8,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa 8,702 ang bagong kaso na nagbunsod sa 3,585,461 na kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

153,335 naman ang aktibong kaso ng virus sa Pilipinas.

Nasa 3,377,958 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 15,290.

54,168 naman ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 matapos na makapagtala ng 71 na panibagong mga nasawi. DWIZ882