8,735 BAGONG KASO NG COVID-19

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 8,735 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay batay sa case bulletin no. 505 na inilabas ng DOH dakong alas-4:00 ng hapon ng Linggo, Agosto 1, 2021.

Ayon sa DOH, dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon sa 1,597,689 ang total COVID-19 cases sa bansa.

Sa naturang bilang, 4.0% o 63,646 ang nananatiling aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang ang 94.0% ang mild cases, 2.1% ang severe, 1.45% ang moderate, 1.3% ang asymptomatic, at 1.2% ang critical.

Samantala, nadagdagan naman ng panibagong 5,930 ang mga pasyenteng gumaling sa karamdaman kaya’t umaabot na ngayon sa 1,506,027 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 94.3% ng total cases.

Mayroon namang 127 pasyente pa ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.

Sa ngayon, pumalo na sa 28,016 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.75% ng total COVID-19 cases.

Ayon sa DOH, mayroong 11 duplicates na inalis sila sa total case count, kabilang ang walong recoveries.

Mayroong siyam na kaso ang naunang na-tagged bilang recoveries, ngunit malaunan ay natukoy na aktibong kaso pa pala.

Samantala, 75 kaso naman ang unang iniulat na gumaling na mula sa karamdaman, ngunit malaunan ay natukoy na binawian na pala ng buhay sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez

62 thoughts on “8,735 BAGONG KASO NG COVID-19”

  1. 465681 260794Average In turn sends provides is the frequent systems that provide the opportunity for ones how does a person pick-up biological, overdue drivers, what one mechanically increases the business. Search Engine Marketing 942901

Comments are closed.