HINDI pa rin mabuksan hanggang kagabi ang mga website ng iba’t ibang government agencies.
Hindi matiyak ng Department of Information and Communications (DICT) kung maaayos nila ito ngayong araw.
Katuwang ang technical team ng International Business Machines (IBM), ay inaayos na ng ahensiya ang mga website sa kanilang data center infrastructure.
Sinabi ng DICT na maingat sila sa pag-aayos upang walang mawalang data. Pinalitan na rin ang disk kahapon.
Sa kabila ng problemang ito ay binigyang diin ng DICT na hindi na-hack ang government websites.
Comments are closed.