88 ILOG GAGAMITIN SA FLOOD CONTROL AT WATER DISTRIBUTION

INIREKOMENDA ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paggamit sa 88 tinukoy na mga ilog sa bansa para sa flood control, domestic water, at hydro power.

Sa pagpupulong  sa Malakanyang kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inihayag ng Private Sector Advisory Council o PSAC-Infrastructure sector group na ipinatutupad na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang priority ang Flood Control Basins Project sa ilalim ng Infrastructure Flagship Frojects.

Iginiit ng P-SAC na malaking bagay ang paggamit sa mga ilog upang maibsan ang mga pagbaha at mapalawak ang water distribution.

Binanggit din ng pribadong sektor na dapat tularan ng iba pang lugar sa bansa ang water distribution system sa Metro Manila para sa maayos na suplay ng tubig.

DWIZ 882