88 NA BIKTIMA NG PAPUTOK

PUMALO na sa 88 ang biktima ng illegal na paputok ilang araw bago pa man salubungin ang Bagong Taon.

Kabilang na rito ang karagdagang 13 na naputukan.

Inihayag ng ahensiya, mula ala-6 ng umaga ng Disyembre 27 hanggang ala-5:59 ng umaga ng Disyembre 28, nasa 13 ang mga bagong kaso nito na nasa edad 18 na karamihan ay mga lalaki.

Labindalawa sa mga bagong kaso na ito ay nangyari sa bahay at lansangan.

Kabilang ang unang bagong kaso ng aksidente nang malunok ng isang 4-anyos na Batang lalaki ang watusi mula sa CALABARZON sa kanilang tahanan.

Ang watusi na nagtataglay ng yellow phosphorus, Potassium Chlorate, Potassium Nitrate, at Trinitrotoluene (TNT) na madalas na napagkakamalang kendi ng mga bata dahil sa laki at kulay nito.

Sa kasalukuyan, 88 fireworks-related injuries na kabuuang bilang na ang naitala ng DOH kung saan tatlo sa bawat sampung kaso ay nagmumula sa Metro Manila, (31, 35%); Central Luzon (11, 12%); Ilocos Region (10, 11%); Bicol Region (5, 6%); Davao Region (5, 6%), at Soccsksargen (5 , 6%). PAULA ANTOLIN