Nasa 169 katao na ang dinapuan ng meningococcemia sa bansa ngayong taong ito, kabilang dito ang 88 katao na binawian ng buhay.
Ito ay batay sa datos na inilabas ng Epidemiology Bureau (EB) ng Department of Health (DOH) kahapon.
Ayon sa DOH, mula Enero hanggang Setyembre 21, 2019 ay nakapagtala sila ng 169 kaso ng meningo na may 88 deaths o case fatality rate na 52%.
Mas mataas umano ito ng bahagya kumpara sa 162 kaso na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon, kung saan may 78 deaths.
“Most of the cases (79%) reported were not laboratory confirmed, presenting a gap in confirming the magnitude of the disease,” anang DOH.
Sa Batangas, inamin naman ni DOH-Calabarzon Regional Director Eduardo Janairo, na limang katao na ang binawian ng buhay dahil sa meningococcemia.
Sa kabila naman nito, nanindigan ang DOH na walang meningo outbreak sa Batangas at maging sa bansa.
“As of the moment, there is no meningococcemia outbreak in the country, as cases are sporadic in nature and are not clustering,” ayon kay DOH Assistant Secretary of the Public Health Services Team Maria Rosario Vergeire.
Kung susuriin din aniya, sa nakalipas na limang taon, ay halos pare-pareho lamang ang dami ng mga pasyenteng tinatamaan ng sakit.
Magkakahiwalay rin naman aniya ang mga lugar na pinagmulan ng mga pasyente kaya’t hindi ito maituturing na outbreak.
Anang DOH, ang meningococcal disease ay rare o madalang lamang ngunit ito’y isang napaka-seryosong sakit, na sanhi ng bacteria na Neisseria meningitidis.
“It presents first with nonspecific signs and symptoms such as cough, headache, and sore throat, followed by upper respiratory symptoms, fever, chills, malaise, nausea, vomiting and skin rashes. It can quickly progress and manifest with lethargy, difficulty of breathing, neck stiffness, sensitivity to light, seizures, hemorrhagic eruptions, purpuric and petechial skin lesion, and hypotension,” anang DOH.
Sa 15% umano ng mga kaso nito ay maaaring mamatay ang pasyente sa loob lamang ng ilang oras.
Dahil naman sa severity at rapid progression ng sakit, mahalaga ang early diagnosis ng sakit at agarang paglunas dito ng antibiotics.
“I advise individuals experiencing symptoms of meningococcemia to go the nearest hospital immediately,” payo naman ni Vergeire.
“This is a deadly but highly preventable disease,” aniya pa. “I urge the public to practice good personal hygiene such as regular handwashing, and covering of mouth and nose when coughing or sneezing to prevent the spread of this disease.” ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.