INIHAYAG ng Bureau of Corrections (BuCoR) ang tuluyang paglaya ng 880 na inmates mula sa iba’t ibang mga kulungan at penal farms sa buong bansa.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., ang nasabing hakbang ay maghahatid ng panibagong oportunidad sa mga preso upang muling makapagsimula.
Kinabibilangan ito ng 185 inmate mula sa New Bilibid Prison Maximum security compound, 151 inmates mula sa NBP medium security compound, 25 mula sa NBP minimum security compound, at 13 mula sa NBP reception and diagnostic center.
Sa ibang lugar, umabot din sa 5 na dating detainee ang nakalaya mula sa Philippine Military Academy, 101 mula sa Leyte Regional Prison, 58 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm, at 25 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm.
Umabot naman sa 196 na inmates ang nakalaya mula sa Davao Prison and Penal Farm, 92 mula sa Correctional Institution for Women, at 29 ang nakalaya mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Probinsya ng Palawan.
Pangako ni Catapang Jr, asahan pa ang mas maraming mga person deprived of liberty na mapapalaya sa mga susunod na araw habang nirereview umano ang kanilang mga kaso at marami rin sa kanila ang naging mabuti habang nasa loob ng piitan. EVELYN GARCIA