8,831 OFWs NAKAUWI NA SA BANSA

OFW

NASA 8,831 Filipino Overseas Workers (OFWs) ang umuwi sa bansa ngayong Linggo

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) , umabot na sa 254,785 ang kabuuang bilang ng mga OFW na natulungang makabalik sa bansa kabilang ang nasabing bilang na lumapag sa paliparan ng Filipinas.

Nagsimula ang repatriation efforts ng pamahalaan noong Pebrero 2020 at patuloy ang  ginagawang hakbang ng pamahalaan para mapauwi na ang mga OFW dulot na ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic

Nabatid na 87 porsiyento o 7,715 Pinoy abroad  ay mula sa Middle East ang umuwi ng bansa; 611  naman ay mula sa  Asia- Pacific;503 mula sa Europe  habang 2 ang mula sa Amerika.

Gayundin, umuwi rin sa  bansa ang 86 distressed overseas Filipinos mula China  lulan ng DFA chartered na Philippine Airlines.

Sa kabila ng pandemic, matagumpay na natulungan ng DFA ang pagpapauwi sa bansa ng may 151 Filipino deportees mula Malaysia na  lumapag sa Zamboanga City.

Maliban dito, napauwi din sa bansa ang 3 OFWs na may malalang sakit mula UAE ,Bahrain at Oman

Naisagawa ang nasabing hakbangin sa tulong ng iba’t ibang foreign service posts mula Antigua at Barbuda, Bahamas, Vietnam, at Japan.

Samantala.inaasahan na may 90,000 pang OFWs ang tutulungan na makauwi sa bansa bago matapos ang taon.

” The DFA remains fully committed to safely bringing home our OFs from anywhere in the world amid the ongoing pandemic. ” ayon sa DFA. LIZA SORIANO

5 thoughts on “8,831 OFWs NAKAUWI NA SA BANSA”

  1. 492863 401479An attention-grabbing dialogue is worth comment. I think that it is very best to write extra on this topic, it wont be a taboo subject nonetheless generally individuals are not sufficient to speak on such topics. Towards the next. Cheers 889948

  2. 19422 10164Often the Are usually Weight reduction plan is unquestionably an low-priced and flexible weight-reduction plan product modeled on individuals seeking out shed some pounds combined with at some point sustain a far healthier your life. la weight loss 84009

  3. 304935 468765Hi, ich habe Ihre Webseite bei der Suche nach Fernbus Hamburg im Internet gefunden. Schauen Sie doch mal auf meiner Seite vorbei, ich habe dort viele Testberichte zu den aktuellen Windeleimern geschrieben. 722209

Leave a Reply

Your email address will not be published.