89 BRGYs SA PASAY NANANATILING LCQ

NASA 89 na barangay ang nanatiling nakapailalim sa localized community quarantine (LCQ) sa lungsod ng Pasay.

Base sa ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), mula sa 54 na barangay kapahon ay nadagdagan pa ito ng 35 barangay ngayon sa dahil sa patuloy na pagtaas ng coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod.

Sa bilang naman ng COVID-19 cases simula ng mag-umpisang ipatupad ang LCQ ay umabot na sa 462 ang nagpositibo sa naturang virus habang nasa 101 na kabahayan naman ang kabuuang bilang ng clusters na naka-lockdown.

Ang 35 barangay na nadagdag sa listahan ng isinailalim sa LCQ sa lungsod ay ang mga Barangay 10, 19, 23, 39, 54, 58, 67, 72, 74, 83, 86, 93, 94, 103, 104, 106, 114, 117, 124, 137, 147, 150, 151, 152, 161, 162, 166, 170, 176, 182, 185, 186, 187, 189 at Barangay 198.

Samantala, nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng lokal na pulisya na pinamumunuan ni Pasay police chief P/ Col. Cesar Paday-os ang mga restaurant sa SM By The Bay na nasasakupan ng Pasay police Mall of Asia (Moa) sub-station 10 gayundin ang iba’t-ibang restobar sa lugar ng Villamor Air Base (VAB) sub-station 9 na nasasakupan ng Barangay 183 na nakapailalim sa total lockdown dahil ito ang nakapagtala ng may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ang mga resto sa SM By The Bay na kinabibilangan ng Padis Restaurant and Bars, Giligans at Pete Place ay ininspeksyon at pinaalalahan ng kapulisan na mahigpit na ipatupad ang social distancing.

Ayon kay Paday-os, ang mga restobar na matatagpuan sa Barangay 183 na kanilang inispeksyon ay hindi naman nag-ooperate dahil na rin sa ang mga ito ay nasasakop ng naturang barangay na nakapailalim sa total lockdown. MARIVIC FERNANDEZ

3 thoughts on “89 BRGYs SA PASAY NANANATILING LCQ”

Comments are closed.