INIHAYAG ng lokal na pamahalaan ng Las Pinas na bumaba sa 89 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod habang pito sa 20 barangay sa lungsod na lamang ang may mga kaso ng virus.
Kabilang sa pitong barangay na may 12 bagong kaso ng COVID-19 ay ang Barangay Pulanglupa Dos na mayroong tatlong kaso na sinundan ito ng tatlo pang barangay ng Manuyo Dos, Talon Uno, Talon Dos na may tig-dalawang kaso habang ang mga barangay na Pilar, Zapote at Talon Tres ay mayroong tig-isang bagong kaso ng COVID-19.
Samantala, ang natitirang 13 barangays na walang naitalang kaso ng COVID-19 na sumunod na lamang sa mahigpit na pagpapatupad ng basic health protocols.
Base sa report ng City Health Office (CHO) ng Nobyembre 14, nakapagtala ang lungsod ng kabuuang 28,742 kabilang na rito ang 89 aktibong kaso at 12 bagong kaso ng COVID-19 habang ang mga naka-recover ay umabot na sa 27,996 at 657 naman ang mga namatay sa virus.
Umabot na rin sa 916,855 ang nagamit na vaccines na itinurok sa mga residente ng lungsod ng lokal na pamahalaan laban sa COVID-19.
Sa kabuuang bilang ng nagamit na bakuna ay 487,469 ang nabakunahan ng unang dose na katumbas ng 109 porsiyento ng target population ng lungsod na 70 porsiyento.
Ang 438,262 vaccines naman ay naiturok sa mga residente ng lungsod na tumanggap ng kanilang ikalawang dose para sa kanilang pagiging fully vaccinated o katumbas ng 98 porsiyento ng kanilang target population. MARIVIC FERNANDEZ