MAY 89 pang pasyente ang bagong gumaling sa coronavirus disease (COVID-19).
Batay sa rekord ng Department of Health, hanggang alas-4:00 ng Martes, Mayo 26 ay nasa kabuuang 3,412 na ang mga gumaling sa virus sa Filipinas.
Samantala, umaabot na sa 14,669 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa, 10,371 dito ang aktibong kaso
Iniulat naman na 350 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 at 13 ang nasawi kaya 886 na ang COVID-19 related deaths sa bansa hanggang Mayo 26, 2020.
Comments are closed.