890 BAGONG KASO NG COVID-19

NASA 890 ang panibagong napaulat na kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkoles, Nobyembre 24, pumalo na sa 2,828,660 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 17,864 o 0.6 porsiyento ang aktibong kaso.

53.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.8 porsyento ang asymptomatic; 21.39 porsyento ang moderate; 14.4 porsyento ang severe habang 6.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 200 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 47,682 o 1.69 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 1,710 naman ang gumaling pa sa COVID-19 kaya umakyat na sa 2,763,114 o 97.7 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.