8,940 BAGONG RECOVERIES SA COVID-19

INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng panibagong 8,027 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang nitong Sabado ng hapon.

Dahil dito, umakyat pa sa 1,308,352 ang total COVID-19 cases sa Filipinas.

Nabatid na ito na ang ikaapat na sunod na araw na nakapagtala ang bansa ng mahigit sa 5,000 kaso ng sakit.

Batay sa case bulletin ng DOH, dahil sa mga bagong kaso ay bahagya ring tumaas ang aktibong COVID-19 cases sa bansa, na nasa 60,341 na ngayon.

Sa naturang bilang, 90.7% ang mild cases, 5.0% ang asymptomatic, 1.7% ang severe, at 1,3% ang nasa kritikal na kalagayan.

Umakyat din ang total COVID-19 recoveries sa bansa sa 1,225,359 matapos na makapagtala pa ng 8,940 bagong pasyente na gumaling na mula sa karamdaman.

Ito na umano ang pinakamataas na daily recoveries na naitala ng bansa simula noong Mayo 16.

Samantala, umakyat naman sa 22,652 ang COVID-19 death toll sa Filipinas matapos na makapagtala pa ang DOH ng 145 pasyente na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyon na dulot ng virus.

Ayon sa DOH, mayroon din silang 24 na duplicate cases na inalis sa total case count habang mayroon namang 59 kaso na unang na-tagged bilang recoveries, ngunit malaunan ay natuklasang patay na pala sa pinal na balidasyon na isinagawa ng DOH.

Batay pa rin sa datos ng DOH, lumilitaw na 57% ng intensive care unit (ICU) ng bansa ang kasalukuyang okupado ngayon, gayundin ang 35% naman ng mechanical ventilators. Ana Rosario Hernandez

13 thoughts on “8,940 BAGONG RECOVERIES SA COVID-19”

  1. 215932 34101Hiya! Amazing weblog! I happen to be a daily visitor to your web site (somewhat more like addict ) of this site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am seeking forward for much more to come! 536310

  2. 405277 602253I like this post quite significantly. I will definitely be back. Hope that I can go through a lot more insightful posts then. Will likely be sharing your wisdom with all of my friends! 676234

Comments are closed.