INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na umabot na sa mahigit 8,000 ang bilang ng mga pasyente na gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa case bulletin na inilabas ng DOH, nabatid na nakapagtala pa sila ng 250 bagong recoveries ng COVID-19 hanggang kahapon kung kaya’t umabot na sa kabuuang 8,143 ang gumaling.
Samantala, umakyat naman sa kabuuang 30,682 ang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa matapos na madagdagan pa ng 630 kaso hanggang kahapon alas-4 ng hapon ang mga bagong bilang, 467 ang fresh cases habang 163 naman ang late cases.
Sa fresh cases, 149 ang mula sa National Capital Region (NCR); 164 ang mula sa Region 7; 153 ang mula sa iba pang lugar sa bansa at isa naman ang mula sa hanay ng repatriates habang sa late cases, 25 ang mula sa NCR; 93 ang mula sa Region 7 at 45 naman sa iba pang lugar sa bansa.
Maging ang mga nasawi dahil sa sakit ay nadagdagan din ng walo at umabot na ngayon sa kabuuang 1,177 COVID deaths. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.