NASA mahigit walong libong walang dokumento o hindi lisensyado ang na-recover ng Philippine National Police (PNP) sa loob lamang ng tatlong buwan.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., resulta ito ng pinaigting na kampanya ng Pambansang Pulisya laban sa mga iligal na sandatang pamuksa na kadalasan ay nagagamit sa paghahasik ng kriminalidad.
Base sa record ng PNP, ang mga narekober at nakumpiskang baril ay nakuha sa mga checkpoint operation, anti-drug operation at iba’t ibang law enforcement operations habang ang iba naman ay isinuko mula Hulyo hanggang Oktubre 8.
Kaugnay pa sa kampanya laban sa loose or undocumented firearms ay aabot din sa 5,000 baril din ang boluntaryong tinurn-over sa PNP para sa safekeeping.
Umaabot sa 2,471 indibidwal naman ang naaresto dahil sa paglabag ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. VERLIN RUIZ