8K PAMILYA INAYUDAHAN NG LAGUNA-PNP

LAGUNA – NAMAHAGI ng food packs ang pamunuan at miyembro ng Laguna PNP sa libo libong pamilya kasabay sa pagdaraos ng “Araw ng Manggagawa”.

Sa talaan, umaabot sa 8,050 pamilya ang nabiyayaan ng tulong ng Laguna PNP sa pamumuno ni PCol. Serafin Petalio II.

Umaabot sa halagang P346,000 food packs ang ipinamahagi ng pulisya sa nasabing lalawigan kabilang ang maraming mahihirap na residente sa Sitio Bay Side, Brgy. Gatid at Sta. Cruz.

Isinagawa ni Petalio, PCADU Chief PLt. Col. Melisa Malayo at ng kanilang mga tauhan sa lalawigan ang malawakang “Barangayanihan” sa 57 Barangay na may temang “Ang Buong Kapulisan ng Laguna ay

Nakikiisa sa Bawa’t Manggagawang Filipino”.

“Nais naming ipadama sa mamamayan ang pagkakaisa, bayanihan, pagtutulungan sama- sama at walang iwanan,” ayon kay Petalio. DICK GARAY

Comments are closed.