8K PANG OFWs NAIUWI SA BANSA

DFA

MAHIGIT  sa 8,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) pang panibagong bilang  ang  natulungan ng pamahalaan para makauwi sa bansa.

Bago pa man matapos ang buwan ng Agosto, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nakapagtala ng  mahigit sa 153,000 repatriated OFWs makaraang ma­dagdag ang may  8,329 ngayong linggo lamang

Sa kabuuang 153,124 repatriates, 57,595  ay OFWs (37.6%) ay  pawang sea-based  habang 95,529 (62.4%) ay  land-based.

Iginiit ng DFA na kahit na limitado pa rin ang  commercial flights mula sa iba’t ibang bansa  dahil sa CO­VID-19 pandemic, naisaayos pa rin ng ahensiya ang 39 special commercial repatriation flights mula sa Middle  East, Americas, Europe, at Asia Pacific.

Matagumpay din na natulungan ng DFA  na makabalik sa bansa  ang mga OFW mula sa mga bansa  na walang direktang biyahe  sa Pilipinas gaya ng Kenya, Peru, Israel, Russia, Turks & Caicos, Iraq, at Egypt.

Patuloy ang ginagawang pagtulong ng DFA para sa repatriation flights ngayong darating na Setyembre  sa pamamagitan ng koordinasyon ng  foreign service posts gayundin ang mga partner gpvernment agencies nito. LIZA SORIANO

Comments are closed.