INIHAYAG ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nagdeploy sila ng mahigit 8,000 na tauhan upang magbantay at mangalaga sa seguridad sa buong Metro Manila sa holiday.
Sa pahayag ni NCRPO spokeswoman Maj. Myrna Diploma, nakatalaga ang mga pulis sa assistance desks ng mga simbahan, mall, public markets, major thoroughfares, transportation hubs at iba pang strategic locations sa buong kabisera bilang bahagi ng “Ligtas Paskuhan 2024” (Safe Christmas) operation nito.
Katuwang nito ang mga miyembro ng non-government organizations na mga volunteer o mga tinatawag na force multipliers, ayon sa NCRPO sa hiwalay na pahayag nitong Miyerkules.
Binubuo ang NCRPO ng limang distrito: Manila Police District (MPD), Quezon City Police District (QCPD), Northern Police District (NPD), Eastern Police District (EPD) at Southern Police District (SPD).
“Ensuring a secure and joyous yuletide season is of utmost importance, and as we approach this festive time, NCRPO remains steadfast in its readiness and capability to achieve the peaceful and orderly celebration of Ligtas Paskuhan 2024 in Metro Manila,” pahayag naman ni NCRPO Director Brig. Gen. Anthony Aberin.
EVELYN GARCIA