8PM-4AM CURFEW INIREKOMENDA

Atty Ariel Inton-3

INIREKOMENDA ni Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) Founder Atty. Ariel Inton ang 8pm hanggang 4am na curfew para sa mga menor de edad at 10pm o 11pm hanggang 4am para naman sa lahat.
Ayon sa LCSP, mahihirapan pang makauwi ang mga empleyado sa kanilang mga bahay ng 8pm at sapat naman ang 10pm sa pag-uwi ng mga commuter.
Mungkahi pa ng LCSP na gawing hanggang 4am dahil marami ng pumapasok sa trabaho ng 4am.
Aniya, kung may exceptions ay bahala na ang mga ordinansa ng lokal na pamahalaan. Samantala, dahil sa social distancing policy ay mas kakaunti ang pasahero ng bus, jeep at UV express. Malaking kabawasan ito sa kikitain ng operator at driver.
Upang matulungan ang public transportation, iminungkahi rin na i-exempt na sa pagbabayad ng toll fee at i-relax muna ang rule sa cutting trip sa mga namamasada upang makapag-concentrate ang mga sasakyan sa mga lugar na maraming pasahero. Makakatipid sila sa gas at oras sa biyahe. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.