8TH PASAY RACING FESTIVAL NGAYON SA METRO TURF

ANIM na pambatong pangarera ang magpapamalas ng husay sa  8th Pasay “The Travel City” Racing Festival  na aarangkada ngayong Sabado, Disyembre 18, sa  MetroTurf sa Malvar-Tanauan, Batangas.

Ang mga kalahok ay sina Tony’s Love (AS Pare) at American Factor ni Paolo Mendoza; Full Steam (OP Cortez) ng The Golden Three Kings Resources Inc.; Raintree Starlet (KB Abobo) ni Oliver Velasquez; Greatwall (RD Raquel) ni Virgilio Cruz; at  Son Also Rises (JB Hernandez) ni  Faustino Datu.

Ang kapana-panabik na 1,600-metrong karera na ginaganap bilang pagpupugay sa lungsod ng Pasay  bilang pangunahing pintuan ng turismo sa Pilipinas ay nag-aalok ng P300,000 premyo at tropeo para sa kampeon. Ang trainer at hinete ng magwawaging kabayo ay makatatanggap din ng magarang tropeo.

And runner-up ay mag-uuwi ng P112,500 habang ang magtatapos sa pangatlo at pang-pat na puwesto ay tatanggap ng  P62,500 at P25,000, ayon sa pagkasunod.

Ang racing festival na ito ay itinataguyod taon-taon ng Pasay City at ng Metro Manila Turf Club.

Tampok din sa racing festival ang 8th Pasay City Representative Tony Calixto Cup, ang 8th Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano Cup, at ang  7th Former Pasay City Mayor Duay Calixto Memorial Cup.

Ang mga maglalaban-laban sa Rep. Tony Calixto Cup na may kabuuang premyo na P350,000 ay sina Stand By Me (JB Hernandez), Shanghai Silk (JB Guce) Lovely Julliane (KB Abobo), Bomod ok Falls (JB Bacaycay), Lal Liga Filipina (AR Villegas), at Enzo (JA Guce).

May nakataya ring P350,000 kabuuang premyo sa Mayor Emi Calixto-Rubiano Cup na pag-aagawan Nina  Candid Moment (CP Henson), Will To Win (MA Alvarez), Truly Ponti (JG Serrano), Super Ninja (PM Cabalejo), Runawayfromrosenot (RA Base), Candaba (RG Fernandez), Sooner Time (CS Pare), at Stripes of Red (JL Paano).

May pitong 2-year-old gallopers naman ang tatakbo sa Duay Calixto Memorial Cup at ang mga ito ay sina Limunsudan Falls (JPA Guce), Mariacristinafalls (JB Guce), Charm Campaign (AR Villegas), Hie Nieve Rahh (CP Henson), Moves Like Jagger (JB Hernandez), Impeccable (PM Cabalejo), at Diez Catorce (RC Suson).

May itatakbo ring 10 trophy races sa araw na ito na may karagdagang  P30,000 premyo para sa kampeon at  P180,000 premyo para sa top four finishers mula sa Philracom.

Dalawang 40-inch flat screen television din ang ipapa-raffle sa 14 na nagwaging trainer at hinete habang  tatanggap naman ng tig-isang 25-kg na bigas ang mga mananalong grooms. EDWIN ROLLON