(8th stage inangkin ni Carino) RONDA CROWN ABOT-KAMAY NA NI OCONER

George Oconer

BAGUIO CITY – Halos abot-kamay na ni George Oconer ang korona sa 2020 Ronda Pilipinas at kailangan na lamang niyang ma­ging maingat at magpatuloy ang solidong suporta ng kanyang mga kasamahan sa Standard Insurance-Navy upang maiuwi ang P1 million pre-myo at handcrafted trophy.

“Tutok na lang ang gagawin ko. Ang lima kong kasamahan ay nasa likod ko at nakahandang sumuporta sa akin,” sabi ni Oconer na determinadong kunin ang titulo na binakante ni Francisco Mancebo ng Spain.

“Safe ride and no need to attack,” wika ni Oconer,  nanalo ng limang beses sa Southeast Asian Games at 6th placer sa Asian Cycling na ginawa sa Malaysia noong 2012.

Matapos ang walong stages ay nakalikom si Oconer ng kabuuang oras na 27 hours, 34 minutes at 35 seconds at napanatili ang one minute at 15 seconds na bentahe sa kanyang kasamahan na si Asian Gamer Ronald Oranza.

Nanatili sa third, fourth, fifth at sixth places ang teammates ni Oconer na sina Ronald Lomotos, John Mark Camingao, Junrey Na­varra at El Joshua Carino, ayon sa pagkakasunod-sunod, habang nasa seventh, eighth at ninth spots sina Jonel Carcueva, Daniel Ven Carino at Ismael Gorospe Jr. ng Go 4 Gold at ang 10th place ay hawak ni Marvin Tapic ng Bicycology Shop Army.

Dumating si Oconer kasama ang unang 10 riders sa 8th stage  na may magkakaparehong oras na four hours, 30 at four seconds.

Kinuha naman ni Daniel Ven Carino ng Go 4 Gold team ang 8th stage na nagsimula sa Palayan City, Nueva Ecija at nagtapos sa Burnham Park.

Parang ibinigay ni Oconer at ng kanyang mga kasamahan ang panalo kay Carino, na ipinanganak sa Mangaldan, Pangasinan at pamangkin ni dating tour veteran at ‘Eagle of the Mountain’ champion Ruben Carino.

Sa panalo ay uma­ngat si Carino sa eight overall at sinipa si Rustom Lim ng 7 Eleven sa Magic 10, 5 minutes at 46 seconds sa likod ni Oconer. Napanatili ng 21-anyos na si Carino ang pamumuno sa MVP Best Filipino Young Rider Under 23. CLYDE MARIANO

Comments are closed.