StandingsW L
Women
DLSU 9 1
AdU 7 3
NU 7 3
UST 7 3
FEU 5 5
Ateneo 4 6
UP 1 9
UE 0 10
Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
10 a.m. – UE vs AdU (Men)
12 noon – UE vs AdU (Women)
2 p.m. – Ateneo vs UST (Women)
4 p.m. – Ateneo vs UST (Men)
SISIKAPIN ng University of Santo Tomas na makumpleto ang head-to-head elimination round sweep sa Ateneo sa UAAP women’s volleyball tournament ngayon sa Philsports Arena.
Para kay rookie Regina Jurado, ang ‘consistency’ ay magiging susi para maisakatuparan ito ng Tigresses laban sa Blue Eagles side na pipiliting manatiling buhay ang Final Four hopes sa 2 p.m. match.
“Lalo na kung i-run through ‘yung laro ko this season medyo inconsistent pa rin siya,” sabi ni Jurado.
“So happy ako kapag like I can contribute to the team kasi malaking tulong to talaga, hindi lang si ate Eya (Laure) dapat ‘yung magko-contribute,” dagdag pa niya.
Natutuwa si Laure, ang leading scorer sa liga na may 168 points, na nakababalik na sina Jurado, Milena Alessandrini at Imee Hernandez sa puntong ito ng season.
Ang UST ang nagpalasap sa La Salle ng unang kabiguan nito sa first season, 25-19, 14-25, 25-18, 25-12, noong April 2 bago ang Holy Week break.
Makakasagupa ng Adamson ang wala pang panalong University of the East sa isa pang laro sa alas-12 ng tanghali.
Gagawin ng Lady Falcons at Tigresses ang lahat para panalo, lalo na’t nananatiling dikit ang karera para sa ikalawang twice-to-beat slot sa Final Four.
Ang Adamson at UST ay nakaipit sa three-way logjam sa defending champion National University sa second place sa 7-3.
Ang Lady Spikers ay dalawang laro ang angat sa kanilang pinakamalapit na pursuers sa 9-1 at abot-kamay na ang twice-to-beat Final Four incentive.
Tatlong laro naman ang layo ng Ateneo, kasalukuyang may streak na 11 sunod na Final Four appearances mula pa noong 2009-10 season, sa huling slot sa 4-6 sa sixth spot.
Umaasa si sophomore Lyann de Guzman na maglalaro ang Blue Eagles bilang isang cohesive unit at mabawasan ang pasanin nina Faith Nisperos at Vanie Gandler kung nais nilang manatili sa kontensiyon.
“Actually sobrang helpful talaga na kung lahat kami sabay-sabay sa isang game. Most importantly lang talaga na magtulungan kami inside the court kami ng mga teammates ko,” sabi ni De Guzman.